Pilipinas, Ako Ang Rosas..

Home
Music
What Aboout..?
What more?
Pictures
Pictures ll
KapitBahay Linkz
Biggest Shoutz
Contact Me
Guestbook

So welcome sa aking page ha..

Nov 2009

MY DESTINY BROADBAND INTERNET:  NAKAKAPIKON!!!!!

Dati akong subscriber ng Bayantel (Plan P2000 na may kasamang linya ng telepono) mula pa noong 2004. Hindi nga lang ako nagkamit ng magandang serbisyo mula sa kanila noong mga panahon na yon, at hindi ko nakuha ang pinangako nilang speed ayon sa binabayaran ko. Noong 2007 inirecommend sakin ang My Destiny na sinimulan kong gamitin last year, at hanggang ngayon ay subscriber ako nito, pero malapit na akong mag-unsubscribe dahil sa pinaggagagawa nila. Nakalulungkot maranasan na naglalaro ang speed ko mula sa 20, 40, 60, at 100 kbps lang, mula alas onse ng umaga hanggang alas onse ng gabi(11am - 11pm). Kinakailangan ko pang maghintay ng 2am para mas masarap sarap ang browsing at paggamit, dahil pinuputol rin nila hanggang 10am. Pumapalo ng 1Mb ang nakukuha kong speed sa madaling araw, kaya yung oras ko sa maghapon, inilalagi ko na lang sa pakikinig ng musika at sa pagbabasa. Katwiran nila, madami na daw nagsasubscribe dito sa area namin, at kesyo marami na rin daw nag-iinternet mula tanghali hanggang gabi.

Eto ang tanong: Bakit biglang cut ang speed pagpatak ng 11am, hindi ba dapat gradual ang pagbagal dahil hindi naman isang dagsaan lang ang mga taong nagiinternet dito? Wala naman sanang problema, huwag lang maging misleading sa advertisements at sa mga pinapangakong promotions!! Magrereklamo sa customer service pero iisa lang rin naman ang sagot, "monitor lang po within 24 hours ma'am and i'll forward this concern to our technical dept.." sabay bigay ng reference number. Obligado kang maghintay ng 2-3 days at kung minsan 5 days pa bago ka bisitahin, malas mo pa kung wala ka sa bahay at di ka nila abutan. May mga korny pang staff at representative at magdadahilan na dahil daw sa pc mismo kaya mabagal ang speed, kesyo kailangang magreformat.. HAHAHAHAHA.. Bakit ba napakahirap harapin ng katotohanan sa mundong ito?? Imbis na magpaliwanag at sabihin ang totoong dahilan, magpapalusot pa at ipapasa na lang katarantaduhan sa iba. Takot mawalan ng subsciber pero hindi takot mamutol ng speed. GRRRRRRRRRRR...

Hindi ko nilalahat pero parang hindi nila nakikita ang kahalagan ng LOYAL o High Value Subscribers kaysa sa New Joiners. Tuwang tuwa pa silang ipagmalaki na maraming nagssubscribe nitong mga nakaraan pero bakit bumababa ang quality ng service gayong mataas ang pasok ng income? Lagi namang ganyan eh, yung isang canteen lang dito malapit sa amin, maganda ang serving dati, madami at higit sa lahat masarap, pero nung lalong dumami ang kumain, lalo namang kumonti ang ibinigay na ulam. ANO BA YAN HA?!! Ganyan na ba ang sistema ng business ngayon? Sang-ayon ako sa mahusay magbusiness-layout para lumaki ang gross pero hindi ako sang-ayon sa PANGGUGULANG. Taktika ng mga pasimpleng magnanakaw at nangungupit yan eh..

Alam kong wala akong kaalam-alam sa pagpapaikot ng negosyo pagdating sa network services pero nakakadismayang makaranas ng ganito. Mapalad pa nga tayo at walang Fair Use Policy ang browsing natin unlike sa United Kingdom. Nagtrabaho ako before sa isang telecommunication company(UK account), at ibang klase ang lebel ng terms and conditions when it comes to connections especially for broadband users, whether you're using your mobile phone or personal computer.

Anyway, alam kong matatapos rin ang pagkadismaya ko next year at lilipat na naman ako sa ibang network provider. Hindi ko naman hinihiling ang perpektong serbisyo, basta yung nararapat lang sa binabayaran ko. Bwisit lang ako sa pagpapatakam ng advertisements that there would be no limit and its 500kbps - 1.5mbps guaranteed. Hindi ako nagtitimawa sa speed pero ibigay lang ang dapat at ang katapat na value ng pera ng bawat consumer. Hindi ako mahilig manood ng tv, maliban na lang kung balita at mga crime stories, current events, history or mahahalagang documentaries ang panonoorin. Hindi ako nagpapaka-intelektwal, sinasabi ko lang ang hilig ko, na minana ko pa sa magulang ko. Pagdating sa internet, oo nahilig ako sa mga website na puro networking, at chat, pero di ko na masyadong binigyang pansin nang matuklasan kong may mas mahahalaga at mas marami pa akong matutunan kung gagamitin ko ang internet sa tama. Nanonood rin ako madalas sa youtube, once again, ganong klase na naman ng mga palabas. Kaya mahirap talaga pag mabagal. Well, naglalaro rin naman ako ng mga games, nagddownload ng mga kanta, at nakikibasa rin ng ibat ibang blog ng mga tao. Kaya sana naiintindihan ng iba yon, hindi naman karamihan ng pinoy eh hanggang palaro laro lang sa internet, marami ring gustong matuto at ginagamit tong source sa lahat ng information sa iba't ibang bagay.

Hindi man sa business, kahit maging sa friendship or family-related issues, misleading informations and lies will destroy a relationship. Habang iniipit ang katotohanan, lalong magigipit sa sitwasyon, at yan ang ilan sa mga aral na pinanghahawakan at pinaniniwalaan ko.

-------------------------------------------------------------------

Charenghizzy @Tripod ©2008. All rights reserved.

Lahat ng nakasulat sa site na ito ay mga sariling  opinyon ko lamang. Hindi hangad na saklawan ang pananaw ng iba. Maraming Salamat Po. Mabuhay.