Pilipinas, Ako Ang Rosas..

Home
Music
What Aboout..?
What more?
Pictures
Pictures ll
KapitBahay Linkz
Biggest Shoutz
Contact Me
Guestbook

The formative years..

April 2008

 

Here's something that I wanted to share.. A rendition of "After All" originally sung by Cher and Peter Cetera that was used as the theme from the motion picture "Chances Are".

This piece is very memorable for me and my husband. I love the way he conveys the song so I asked him to play it live. We are both fans of Peter Cetera and the band Chicago. So here it is, enjoy.

 
 
 

Another cover from Chicago's mid 80s hit "Will You Still Love Me". A very beautiful song that me and my husband share everyday. In other words, this is OUR song.

"Two hearts drawn together bound by destiny"

 

---------------------------------------------------------------------------------------

August 2007

Napanood ko sa GMA7, yung kay Howie Severino na ininterview nya si Pepe Smith (Juan Dela Cruz Band). He was the father of rock & roll..!!sabi nga nila.. Doon ko naunawaan ng husto yung pinagmulan ng sariling atin.. Sila rin ang nag opening number nang nagperform ang The Beatles dito sa Pinas noong 1966.. Para sakin, "Ang Himig Natin", ang pinaka gusto kong song na nagawa nya.. Gusto ko rin yung "Gusto Kong Magswimming", Beep at yung ginamit ng Sabado Nights na patalastas(nakalimutan ko yung title).. Try nyo ngang isearch sa you tube ang (PEPE'S MYTH), para mapanood nyo rin.. tutal mahilig kayo sa music.. Wag kung ano anong kagaguhan na video ang mga pinanonood nyo lol.. Pasadahan nyo naman ng konting history ang mga kokote nyo pwede?? Mangilatis naman kayo ng magandang musika.. So makikita nyo don kung paano nga ba sila nagsimula.. kung paano sila sumabay sa panahon ng dating pangulong Marcos.. karamihan kasi noon, mga aktibista.. so yung mga nangdidiss sa gobyerno (yan na ang term na ginamit ko,nangdidiss..lol) mapa music or mapa media, ay pinapapatay nila.. naglalaho na lang na parang bula..

Natutuwa ako kapag nakikita ko pang nagpeperform ngayon yung mga artist noon.. lalo na yang sila Pepe Smith, Mike Hanopol, Freddie Aguilar, Wally De Guzman, Sampaguita at iba pa.. Feeling ko, buhay pa rin ang mga ugat.. paano kaya pag wala na sila? eh di kung sino sino na lang ang mangungunang wala namang credibility.. Anyway..


Nakikinig ako sa mga pinoy alternative o sa iba namay tinatawag nila na (Tunog Kalye).. gaya ng E'heads, Rivermaya.. Grin Dept..Siakol.. Wolfgang.. Razorback.. Parokya at marami pang iba, hindi ko na iisa isahin.. (ewan ko kung tama ba ako sa sinabi kong alternative pero bahala na kayong umintindi kung saan nga ba silang genre nabibilang) Pero ang pinaka gusto ko sa kanilang lahat ay Yano (na sumikat noong 90's).. Ano ba ang meaning ng salitang "yano".. well sa pagkaka alam ko at sa sabi sakin ng ibang mga kaibigan kong nag aaral sa mga unibersidad, ang ibig sabihin nyan ay "simple".. Yano ang aktibistang banda na pinamumunuan ni Dong Abay na galing sa UP, na nagtake ng course na Bachelor of Science in Philippine Studies..Ang sabi ng ilan, ang banda nila ang Thesis nya.. Gusto ko ang mga kanta nilang, Senti, Tsinelas, then Esem (yung may lyrics na...*Nakakainis ang ganitong buhaaay..para sa mga di nakakaalam) then yung Trapo or (traditional politician na nananalo kahit di naman binoboto), then ang Cono (Konyo) Ka "Pre... then yung Banal na Aso - Santong Kabayo at marami pang iba.. Ang husay nyang sumulat at magperform, kaso lang, after na mabuwag ang band nila, nagkaroon sya ng Clinical Depression at bumalitang hindi na sya naglalabas ng bahay for almost 5 yrs.. Bumalik sya at nagtayo ng panibagong grupo noong 2003, ang bandang PAN. Hindi ko lang alam kung buo pa rin sila hanggang ngayon.. Pero naroon sila nang ginanap ang Arrest Gloria Concert noong 2005.. Siguro naman hindi na mahirap intindihin kung ano ang mga saloobin ng bandang yan sa ating gobyerno..

Yung katuloy ng column ko na to ay nasa What About Section..

Charenghizzy @Tripod ©2008. All rights reserved.

Lahat ng nakasulat sa site na ito ay mga sariling  opinyon ko lamang. Hindi hangad na saklawan ang pananaw ng iba. Maraming Salamat Po. Mabuhay.