Pilipinas, Ako Ang Rosas..

Home
Music
What Aboout..?
What more?
Pictures
Pictures ll
KapitBahay Linkz
Biggest Shoutz
Contact Me
Guestbook

Gobyerno ng Pinas..

August 2007

Hindi tayo masyadong gagamit ng wikang ingles dito, di katulad sa tv na english ng english ang mga tao at tagapagbalita, kaya tuloy yung mga kawawa nating kababayan na taga probinsya na walang pinag-aralan ay walang maintindihan.. Na kung tutuusin, may karapatan silang maunawaan at malaman ang lahat ng nangyayari sa gobyerno ng pinas..

Nako.. ayan na naman, speaking of gobyerno.. umiinit na naman ang ulo ko dahil naiisip ko na namang ang kabulukan ng sistema natin dito.. Sa tuwing nanonood ako ng balita sa gabi, ang daming mga politician na iniinterview.. Kala mo kung sinong magagaling (di ko naman nilalahat).. Kesyo iaahon ang Pinas sa kahirapan.. Hahahaha tangina? Nagbabanal banalan kayo sa harap ng Tv ah.. Tama na ang pagpapapogi sa telebisyon mga KU**L.!!! Nagtataka naman ako,ang dami daming matatalinong nag ii-ingles na kala mo ang tataas ng antas ng pinag-aralan, pero suma total, ganon pa rin naman.. walang pagbabago at progreso sa bansa natin.. Although minsan, may mga sangay pa rin naman ng government na maganda ang mga alituntunin at pamamahala..

Okay, sabihn na nating about sa Pork Barrel.. Alam ko familiar kayo sa word na yan..Yung iba naman kasi, walang pakielam sa mundo (hoy mahiya ka naman, wag kang puro porma, mag aral ka nga ng current events or manood ka ng balita) Ano nga ba ang Pork Barrel?? Yan ang tawag sa ibinibigay na funds ng gobyereno sa bawat senador.. Ang alam ko, kahit sa mga congressman, may pork barrel din sila.. So each year, bawat senador ay tumatanggap ng P200 million pesos, (take note *per year) Yan ang pondo na binigay ng gobyerno sa kanila para maisakatuparan ang mga proyektong ipinlano nila para sa ating mga kababayan.. at aba! Ang kakapal ng mukha talaga ng iba e noh? Tanggap ng tanggap ng pork barrel, wala namang nagagawa.. Walang naa-accomplish..

Hindi ko alam ang bilang ng ilang senador na hindi tumatanggap ng Pork Barrel.. Pero isa diyan ay si Alfredo Lim (na kasalukuyan ay Mayor na ng Manila) Kung tutuusin, hanggang 2010 pa ang termino nya sa senado, pero kumandidato sya bilang mayor, at nanalo.. (props props.. naks ang tikas dba) So since 2004, hindi nya tinanggap ang pork barrel hanggang 2007.. Magkano rin yun diba? Kung 200 million sa isang taon, eh di meron sana syang P600 million hanggang ngayon.. Well ganun talaga.. may "dignidad" pa syang natitira sa sarili nya, thats why.. Nasa tao naman yan eh kung paano nya maisasakatuparan yung mga pinangako nyang projects kahit walang pork barrel.. Sa katunayan nga, pinagdedebatehan na ngayon yan kung dapat nga bang alisin na yang Pork Barrel... Tignan nyo si Recto at Pichay.. Natalo.. So paano nila babawiin ang ibinayad nila sa mga advertisement sa tv na nagkakahalaga ng P50 million pesos isang patalastas? Ang dami nilang patalastas.. Hindi lang yon, pati na rin yung mga ginastos nila sa mga parade.. sa mga ads nila sa posters.. mga ginastos nila sa pagbibisita sa ibang lupalop ng bansa para iboto sila.. natural naman magpapagana ka ng pera pag eleksyon.. Kaya pala ang sama ng loob ni Recto, na natalo sya.. Gusto pa nyang ipilit na 13 na senador ang dapat pumasok ngayon, imbis na 12 lang.. 24 lang naman ang senators natin.. after matapos ng termino ng labindalawang senador, papalit ang 12.. Kaso, di pumwede yung gusto ni Recto na mangyari.. so, laglag sya.. Bakit sya natalo? sinasabi nila, dahil daw sa E-VAT.. sya ang nagpatupad kasi non.. Ano nga ba yon??

Well, 12% na VAT (Value Added Tax) ang dinagdag sa singil sa mga consumers.. Halimbawa kumain tayo sa isang restaurant at nagkakahalaga ng P100.00, so additional na 12% na tax, so magkano na ang patak diba? Lets say, 10% ng 100 ay P10.. so ipagpalagay na natin na 10% lang at hindi 12% ang dagdag singil.. Malaking bagay diba? so paano kung ang bill mo ay aabot ng thousands.. Ang laki ng babayaran right.. So yun daw ang mapupunta sa gobyerno.. As if naman na napupunta nga?? as if naman rin na napapakinabangan ng taongbayan yun? Kaya, di na ako magtataka kung bakit sya natalo.. May iba ring nagsasabi na, sawa na rin daw sa kanya ang mga tao.. Pero with respect naman, natural iginagalang ko pa rin sya bilang dating senador.. Ang dami ko pa sanang gustong banggitin na politician na nakakahiya eh.. kaso lang parang kinakarir ko naman na yata ang pagsusulat ng article about sa nangyayari dito sa gobyerno ng pinas hahahahah.. Puro negative..Buti na lang, illegal itong page ko, kung hindi baka mademanda ako ng Libel.. bwahahha..

Naalala ko tuloy yung napanood ko sa isang interview sa mga kababayan nating Ifugao.. May isang baranggay sa kanila na ayaw nilang pinag aaral ang mga bata.. Lalong ayaw rin nilang makasalamuha ang mga taga Maynila.. Gusto nila, nagsasaka or nagtatanim lang doon ang mga tao..hanggang don na lang daw dahil, sagana naman sila sa pagkain basta aalagaan lang nila ang mga lupang sinasaka nila at maging masipag lang sila sa pagtatanim, makuntento na daw na 3 beses kang kumakain sa isang araw.. Bakit?? (para sa mga mahihina ang initiative, eto ang sagot ko dyan..-> Kaya ayaw nilang maging edukado ang mga tao sa kanila, dahil pag nakapag aral na, mahusay na manloko.. Pwede na silang paikut ikutin.. Tama diba? May point nga naman sila diba.. Natural, may pinag aralan, mas mahusay na mangatwiran.. may pinag aralan na eh... So, isang reflection ko yan sa mga tanong na(bakit nga ba hanggang ngayon ganito parin ang buhay dito sa pilipinas) Sobrang dami nating leaders sa government na matatalino.. mga pulitikang nag aral pa sa ibang bansa, mga abogadong ang huhusay makipag debate.. still, GANON at GANON pa rin ang TAKBO ng Pamahalaan.. Why? kasi mga mukhang Pera.. mga makasarili.. (ano ba yan nagagalit na ako dito habang sinusulat ko to at naka kunot na ang noo ko..lol)

Mabuti na lang maraming Filipinos sa ibat ibang bansa (mainly, mga balikbayan), tumataas kasi ang status ng economy natin pag bandang december dahil nagbabakasyon sila dito.. So maraming transportations na nagaganap palabas at paloob ng bansa.. Isa na diyan yung sa exchage rate ng money, pag mataas ang palit, pabor sa mga balikbayan kaso mataas rin naman ang bilihin.. Kumikita ang mga kompanya sa mga padala.. at lalong kumikita ang Bureau of Customs.. Bakit? Dahil sila dapat ang nagfifilter ng mga Bagahe or baggage na lumalabas at pumapasok dito sa Pilipinas.. Kaso yung mga smuggled products, pinalulusot nila.. Kasi, binibigyan sila ng lagay ng mga malalaking sindekato (karamihan, mga chinese ang bigboss ayon sa survey).. (o para sa mga hustlers or made-man diyan lol) Well lahat naman ay nangyayari dahil may dahilan.. Siguro yung iba, sa liit ng sweldo at kita, napipilitang mangupit or magnakaw.. Yung iba naman, naka kupit na, aba, d pa rin makuntento.. Naadik na sa kananakaw ng pera sa kaban ng bayan.. Mangilabot naman kayo noh.. Daig pa kayo ng mga magbabalot at magtataho eh..  --------

 

Teka.-brb mga pogi-

Charenghizzy @Tripod ©2008. All rights reserved.

Lahat ng nakasulat sa site na ito ay mga sariling  opinyon ko lamang. Hindi hangad na saklawan ang pananaw ng iba. Maraming Salamat Po. Mabuhay.