Pilipinas, Ako Ang Rosas..

Home
Music
What Aboout..?
What more?
Pictures
Pictures ll
KapitBahay Linkz
Biggest Shoutz
Contact Me
Guestbook

The formative years..

Ano na ba ang mga napupuna ko sa mga chatters ngayon?

Bihira na ang mga taong sensible kausap. Puro walang mga kakwenta kwentang kakonbersasyon, at puro about sa rap ang pinag uusapan.. Kung minsan, wala nang nabubuong matibay na samahan. Yung bang, kahit man lang sana online friends mo sila, ay maaari mong makausap ng seryosohan. Hindi ko naman nilalahat, pero sa 100 porsyento, mga 30 porsyento lamang ang napupuna kong may halaga kausap. Anak ng pating naman, humanap naman kayo ng improvement sa sarili nyo! Try to discover something else.. Magbasa kayo ng mga may kabuluhang paksa.. Maging active kayo sa mga usapang pangkapaligiran.. Sports? - ayos yan. Bible? - Aba, higit sa lahat na pinakamabuting bagay yan at masarap tuklasin ang aral sa katotohanan.

Ayoko namang i-isang tabi o ibalewala ang "rap" na usapan, dahil kung tutuusin, yung pagkahilig ko sa pakikinig nyan ang siyang dahilan kung bakit ako'y naging isang chatter na rin dito sa yahoo.. Sabi nga ni J.E., "May time para dyan". At after kong dumaan sa mga joyful moments ng walang kaayusang pagchachat, inisip ko, "teka? hanggang dito na lang ba ako??" Nalaman kong hindi pala, at kailangan ko palang magset ng limitations and, at the same time, magset na rin ng goal para sa sarili ko.. Sa totoo lang ay, napapabayaan ko na rin kung minsan ang mga gawaing bahay dahil sa pagka adik ko sa chat. Lol. Mga assignments ko, ay hindi ko rin nagagawa on time. Ayos lang naman at natural na maranasan natin ang mga ganyang klaseng bagay, nang sa ganon ay ma-i-compare nating mabuti ang pagkakaiba, or malaman natin ang mga disadvantages, diba? Well, hindi rin namang masamang magbabad dito sa internet, basta ba may time management tayo.. Nauunawaan niyo ba ako??! Time management mga kapatid!

Ayokong lumabas na bias or one sided sa mga ipinapahayag ko, baka naman sabihin niyo ay bakit parang pati ang way ng samahan sa yahoo community ng mga tao ay pinupuna ko na. Eh kahit nga sarili ko ay inaamin kong nakagagawa rin ako ng mga palyadong bagay dahil sa pagchachat na yan.. Kung minsan, ayoko nang sumama sa lakad namin ng mga tropa ko dito dahil mas triipppfff ko pang umupo, at itutok ang pagmumukha ko sa monitor, sabay hihintayin kong mag online ang mga friends, papasok sa conference, sabay tawanan...Pero after non, papatak na ang oras at makikita ko na lang na.. "wow?.. madaling araw na pala.." Puyat-puyatan na ko, at bagsak na ang mga mata ko, kung minsan, pinipilit ko pang dumilat at labanan ang antok ko para lang makasabay sa oras sa US, ng mga kasing adik ko ring online friends..Lol.. Hahahaah, nakakatawang isipin na nangyayari yan diba? Pero may isa pa raw dahilan kung bakit madalas tayong magtiyaga dito sa yahoo chat eh..Ano? -------- Lovelife???? Okay.. No comment ako diyan. Lol.. (Ate chareng bakit lagi ka na lang no comment pagdating sa ganyang usapan..) Basta, time management pa rin.

Mabalik tayo sa sinabi ko kanina, ayoko namang lumabas na parang naghe-hate ako sa mga chatters ngayon.. Hindi yun ang punto ko eh!!!! Sabi ko, nawawalan na sila ng kabuluhan at wala na ring time management na na-isasakatuparan sa mga sari-sarili nila. Mga wala nang katorya-toryang kausap. I'm not against the relation between rap music and yahoo chatters. Pero wag naman na para-parati na lang eh puro yan ang pinag uusapan. Karamihan, biglang mag ppm, sasabihin, "Pacollab naman?? Pengeng beat.. Diss natin si ganito.. Pakinggan mo sample ko.." Anak ng pating naman oh!!!! Baka gusto nyo naman muna mangumusta ha?? Wala na bang ibang topic kungdi puro RAP?!!!

Aba, paminsan minsan eh, masarap ring mag usap tungkol sa buhay buhay.. tungkol sa kinabukasan, or sa magandang plano at panimula, o kaya magsabihan na lang ng jokes sa isat isa, mas ayos at nakakatawa pa eh! Sige, payag na ko, ayos lang kahit mukhang rap, basta may kabuluhang kausap!! Pero kidding aside, hindi mo magagawang kumontra sa sinasabi ko kung nakuha mo talaga yung punto ko. Time management.

Gusto ko lang sabihin sa inyo na hindi pa rin ako nahihinto sa pagchachat ngayon, BWAHAHAHHA. Pero may time management na.. At adik ako sa scrabble ngayon. Madalas kong kalaban si menard agustin aka mcm dakilla, na madalas gumala sa mga conference na nangchichiks. Lol. Kaso lang, palagi siyang talo sakin eh. Sige tanungin nyo siya, pag dineny, nako, sinungaling yan.. Hahahah. Pero alam niyang babanggitin ko talaga siya dito ngayon. Mabait kasi yang tao na yan sakin at ah..tinuturing ko na ring isang kaibigan. At gusto ko siyang i-congrats sa nakuha niyang award, ng NYFP at ng Pinoytality.

-------------------------------------------------------------------

Maliban sa lahat lahat ng yan, isa ko pang ikinatutuwa dito sa tuwing mag oonline ako ay ang pakikipag usap ko kay Johnny Edge at Anne.. Magbabanggit ba naman ng mga salitang..

"double dead, suchan, dyosa, white look, no look, first look, far look, side look, good look, can be, cannot be, multiple timers, strong, dyotong,  judge, brucha con lababo, father, quits, rizal, bonifacio, stay here, strike out, bugs bunnry, walk out, skin head, ninoy, tokhok, decho, afro, dyohibo.. and etc.."

na may kakaibang mga meaning lahat.. Hahahahaha.. Isa lang ang naaalala ko dyan eh, yung meaning ng double dead. Yun daw yung panget na yung bf mo tapos manloloko pa.. Hahahahhahah. Hahahahah.. Tang**a!! Hahahaha! 

"Si ate chareng masyadong serious, si ate chareng tatandang dalaga, si ate chareng parang galit lagi.." Siguro ngayon, hindi ko na maririnig yan kasi nakikita nyo na may kaharutan rin pala akong bahagi. Pero hindi pa rin sosobra sa limitasyon. At hindi na ako tatandang dalaga.. Bakit? Hihihihh.. Teka... yung puso ko bumibilis ang tibok... Hahahahahah..

So paano, hanggang dito na lang muna. Ingat sa double dead. Lol.

 

Charenghizzy @Tripod ©2008. All rights reserved.

Lahat ng nakasulat sa site na ito ay mga sariling  opinyon ko lamang. Hindi hangad na saklawan ang pananaw ng iba. Maraming Salamat Po. Mabuhay.